Tuesday 21 August 2018

Tagaytay




Saan ba tayo pupunta? Sa Tagaytay balita ko maganda tanawin doon.

     Nakarating na ako sa lugar na iyon! Madami narin akong iba pang napuntahan maliban sa lugar na ito pero ito talaga ang nagustuhan ko dahil ditto kami unang nagbonding ng aking pamilya.
Noong 13 years old ako una kong napuntahan ito . ito ang pinaka masayang alala na nangyari dahil kompleto kami. Ito rin yung araw na una akong natikman ang tahong strawberry.
Nung una hindi rin ako makapaniwala na meron pala nito doon dahil nga sa unang beses ko lng nakapunta doon. Nagkataon lang kase na pinahiram kami noon ng kotse ng tita ko. Oo mahirap lang kami hindi naman yung as in poor talaga nabibigay naman ng nanay at tatay ko yung mga kaylangan ko. Oo yung kaylangan lang talaga kase nagtitipid din kame so ayun nga nagkataon lng na nagpahiram tita ko. Sabihin na naten na mahirap man kami atleast mayaman kami sa pag mamahal diba!!! Kaya ayun salamat sa diyos at na ka pagbonding kami mag papamilya for the first time. Sa mga hindi pa nga pala nakakapunta sa Tagaytay try niyo po kung gusto niyo or sa mga magpapamilya na mayaman or may kaya try niyo magandang place po talaga siya mapa pamilya ,tropa or kaibigan etc. kung gusto ninyong malaman kung saan ito basahin nyo nalang itong ilalagay kong info about sa lugar na tinutukoy ko. May mga litrato rin akong ilalagay.

     Ang tagaytay ay isang sikat na lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga turista, na matatagpuan sa parte ng luzon. Ang lugar na ito ay kilala bilang may malumanay na klima. Ang klima sa tagaytay ay katamtaman lng ang init at lamig, ngunit kapag umuulan ay kasing lamig nito ang klima sa Baguio. Kilala din ang Tagaytay bilang lugar na nasa ibabaw ng Taal Volcano. Isang aktibong bulkan na napapaligirang lawa na tinatawag na taal lake. Isa din iton sikat na holiday town sa Manila.

     Dinadayo din ang isang lugar sa tagaytay na maari mong dalahin ang iyong pamilya para mag picnic maglaro at iba pa. Ang lugar na ito ay Picnic Groove. Ang Picnic Groove ay sikat na pasyalan sa tagaytay dahil sa lugar na ito ang makakarelax ka talaga. Dito rin sa lugar na ito makikita mo ang view ng Taal Volcano at ang taal lake. Sa Picnic Groove ay may malawak din itong lupain na makakalaro ka kasama ang iyong pamilya at gumawa ng masasayang ala-ala.
     Ang Picnic groove din ay dinadayo dahil marami itong pakulo na gustong gusto ng mga turista. Di lang ito sikat dahil sa view na makikita mo at sa malamig na klima. Kundi dinadayo din ng mga turista ang kanilang zip line na syang na nasubukan ko. Sa Zip line mamamangha ka dahil sa ganda ng view sa itaas at kitang kita mo rin ang taal volcano. May hanging bridge din sila na pumatok sa mga turista dahil rin sa view at desinyo nito, may cable car din para sa mga batang at sa matatanda na gustong makakita ng view sa itaas. Sa trip, experience at adventure ko sa tagaytay na kasama ang pamilya ko ay napakaganda, napakasulit, at higit sa lahat ay nakagawa ako ng mga ala-ala na hindi ko kailan man malilimutan.