Saan ba
tayo pupunta? Sa Tagaytay balita ko maganda tanawin doon.
Nakarating
na ako sa lugar na iyon! Madami narin akong iba pang napuntahan maliban sa
lugar na ito pero ito talaga ang nagustuhan ko dahil ditto kami unang
nagbonding ng aking pamilya.
Noong 13
years old ako una kong napuntahan ito . ito ang pinaka masayang alala na
nangyari dahil kompleto kami. Ito rin yung araw na una akong natikman ang
tahong strawberry.
Nung una
hindi rin ako makapaniwala na meron pala nito doon dahil nga sa unang beses ko
lng nakapunta doon. Nagkataon lang kase na pinahiram kami noon ng kotse ng tita
ko. Oo mahirap lang kami hindi naman yung as in poor talaga nabibigay naman ng
nanay at tatay ko yung mga kaylangan ko. Oo yung kaylangan lang talaga kase
nagtitipid din kame so ayun nga nagkataon lng na nagpahiram tita ko. Sabihin na
naten na mahirap man kami atleast mayaman kami sa pag mamahal diba!!! Kaya ayun
salamat sa diyos at na ka pagbonding kami mag papamilya for the first time. Sa
mga hindi pa nga pala nakakapunta sa Tagaytay try niyo po kung gusto niyo or sa
mga magpapamilya na mayaman or may kaya try niyo magandang place po talaga siya
mapa pamilya ,tropa or kaibigan etc. kung gusto ninyong malaman kung saan ito
basahin nyo nalang itong ilalagay kong info about sa lugar na tinutukoy ko. May
mga litrato rin akong ilalagay.
Ang
tagaytay ay isang sikat na lugar sa Pilipinas na dinadayo ng mga turista, na
matatagpuan sa parte ng luzon. Ang lugar na ito ay kilala bilang may malumanay
na klima. Ang klima sa tagaytay ay katamtaman lng ang init at lamig, ngunit
kapag umuulan ay kasing lamig nito ang klima sa Baguio. Kilala din ang Tagaytay
bilang lugar na nasa ibabaw ng Taal Volcano. Isang aktibong bulkan na
napapaligirang lawa na tinatawag na taal lake. Isa din iton sikat na holiday
town sa Manila.
Dinadayo
din ang isang lugar sa tagaytay na maari mong dalahin ang iyong pamilya para
mag picnic maglaro at iba pa. Ang lugar na ito ay Picnic Groove. Ang Picnic
Groove ay sikat na pasyalan sa tagaytay dahil sa lugar na ito ang makakarelax
ka talaga. Dito rin sa lugar na ito makikita mo ang view ng Taal Volcano at ang
taal lake. Sa Picnic Groove ay may malawak din itong lupain na makakalaro ka
kasama ang iyong pamilya at gumawa ng masasayang ala-ala.
Ang Picnic
groove din ay dinadayo dahil marami itong pakulo na gustong gusto ng mga
turista. Di lang ito sikat dahil sa view na makikita mo at sa malamig na klima.
Kundi dinadayo din ng mga turista ang kanilang zip line na syang na nasubukan
ko. Sa Zip line mamamangha ka dahil sa ganda ng view sa itaas at kitang kita mo
rin ang taal volcano. May hanging bridge din sila na pumatok sa mga turista
dahil rin sa view at desinyo nito, may cable car din para sa mga batang at sa
matatanda na gustong makakita ng view sa itaas. Sa trip, experience at
adventure ko sa tagaytay na kasama ang pamilya ko ay napakaganda, napakasulit,
at higit sa lahat ay nakagawa ako ng mga ala-ala na hindi ko kailan man
malilimutan.
No comments:
Post a Comment